Ang Sarap Talaga ng Bawal!!!

  • 0
Kakakain ko lang nito....

Kinuha ko ang imahe na ito mula rito.

Mga ilang buwan lamang, nadiagnose ako with Nephrolithiasis. Ito yung namuong bato sa kidney. 

Bagama't magaling na kong maituturing, kabilang ang instant noodles sa mga pagkaing dapat kong iwasan ayon sa doktor na sumuri sa akin.

Kagabi lamang, kausap ko ang bespren ko. Kinumusta nya yung sakit ko. Binanggit ko na ok na ko. Kailangan ko lang damihan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang mga pagkaing maaalat.

Pero kanina, labis na pagkagutom ang naramdaman at ito lamang ang madaliang panlunas.

Bakit nga ba kasi, kung alin pa yung bawal, yun pa ang masarap kainin.



No comments: