Ang Sayang Kong Boto

  • 0
Mula sa Website ng COMELEC

Ngayong araw ay botohan ng mga mamumuno ng baranggay - Kapitan at mga Kagawad - sa buong Pilipinas. Nakakahiya mang aminin, isa ako sa marami-rami ring Pilipino na hindi nakibahagi.

Sa baranggay kung saan ako nakarehistro, wala akong kaide-ideya kung sino ang mga tatakbo. Matagal na kasi akong hindi umuuwi duon. Huli kong punta ay noong nakaraang eleksyon nung nakaraang taon para sa mga lokal na opisyal.

Sa halip na pumunta ng iskwelahan at mag-"cramming" para makaboto na tanging flyer lang ang basehan, pinili ko na lang na mag-half day sa trabaho. Kumita pa ako kahit paano.

May mga mangilan-ngilan akong kasamahan sa trabaho na umuwi sa kanilang mga probinsiya. Sana ay di sila tumulad sa akin.

Sa isang banda, pano nga naman ako maeengganyong makbahagi sa gawaing pambaranggay kung wala naman akong nakikitang pakinabang...

Nung pumanaw ang nanay-nanayan ko dahil sa sakit, lumapit ako sa baranggay upang humingi ng tulong para madala sa puneraryang abot-kaya. Pero dun ako itinuro sa mas mahal.

Pano nga kaya ang gagawin ng mga taong malayo ang trabaho o tinutuluyan sa lugar kung saan sila rehistrado makaboto? Kumbaga, hindi praktikal na mamasahe ng mahal, magbyahe ng matagal para lang bumoto lalo pa at hindi naman nila nararamdaman na meron nga silang baranggay na matatakbuhan sa oras ng pangangailangan o baranggay na may epektibong kontribusyon sa kanilang lugar.

Di bale, mas maigi siguro na magpalipat na ko ng rehistro, nang sa gayon wala na kong alibi para di makaboto sa susunod na eleksyon ng baranggay.

No comments: